MANILA, Philippines--Nagpapatawag ng imbestigasyon si Assistant Minority Leader and Gabriela Women’s Party Rep.Liza Maza tungkol sa umanoý pagbulsa ng P46-milyon pondo mula sa Estados Unidos na nakatalaga para sa US-RP Balikatan Military exercises.
Kasama ni Maza si Kabataan Party-list Rep. Raymond Palatino, na naghain ngayon ng House Resolution 1160 na humihiling sa House of Representatives committees on national defense and good government na magsagawa ng imbestigasyon tungkol sa ibinulgar ni Navy Lieutenant Senior Grade Nancy Gadian na winaldas umano ni retired Lt. Gen. Eugenio Cedo ng bahagi ng pondo.
"An immediate and thorough investigation on this alleged corruption involving high-ranking military officers should start now in order to bring to justice those who are accountable. Gadian should be encouraged to speak instead of being gagged and harassed as her exposé concerns the very controversial US-RP Balikatan exercises," ani Maza.
Nais din linawin ni Maza sa pamunuan ng AFP ang shoot-to-kill order umano sa whistleblower ng 2007 balikatan scam, na sa ngayon umano ay nagtatago dahil sa takot sa seguridad para sa sarili maging sa kanyang pamilya.
Naniniwala naman ni CIBAC party-list rep. Joel Villanueva na isang banta para sa mga susunod na whisteblower ang pagtatago ngayon ni Gadian.
"Ang pagtatago nya ay parang threat sa mga future whistleblowers at threat sa kagustuhan natin na mabunyag ang lahat ng korupsyon at katiwalian sa pamahalaan," paliwanag ni Villanueva.
Nagpahayag din ng pagkalungkot ang mambabatas dahil sa kabila umano ng mga katapangang pinapakita ng mga whistleblowers na mabunyag ang anomalya sa pamahalaan, sila pa umano ngayon ang nakakaranas ng mga pananakot at pang-aabuso.
Nanawagan naman si Maza sa pamunuan ng AFP na imbes pananakot at harassment sa pamilya ni Gadian, mas dapat umano nilang pagtuunan ng pansin ang seguridad ni Gadian at mga anak nito.
"The AFP should make certain the safety and protection of Gadian instead of aggressively turning the tables against her," giit ni Masa. - Frontline.PH
jomz - May 18, 2009
kung nais talaga ng gobyerno na magbuwag ang katiwalian sa gobyerno, umpisahan muna nilang gapasin ang mga manggagantso sa malacanyang, tapos sa senado at kongreso. dyan kasi nagsisimula ang malakihang pagnanakaw ng pondo ng gobyenro
jerwin - May 18, 2009
masmahalaga pa yata ang imbestigasyon ng mga senador sa kapwa nila senador para magamit sa halalan, keysa ang pagtuunan ng pansin ang mahahalgang bagay tulad ng nakawan sa afp
AS Filipinos started the observance of the Holy Week, environmental advocates yesterday called for a more austere celebration that will not cause environmental stress and degradation.
Now, computer-savvy users can test their knowledge of the candidates' slogans in a Filipino version of the popular online game "Pinoy Hangaroo."
Alfred Vargas was officially chosen by the Cinemalaya Foundation and the Cultural Center of the Philippines in concurrence with director Mario O’Hara to play the role of Andres Bonifacio in the upcoming major production of the Cinemalaya Independent Film Festival’s Open Category’s “Ang Paglilitis ni Andres Bonifacio.”
Once more, the government is launching a peace campaign, this time with the entertaining value of a music group, the Apo Hiking Society composed of Jim Paredes, Buboy Garovillo and Danny Javier.